Nagkaroon ng digmaan sa lupain ng Israel. Si Haring Saul at ang mga Israelita ay nakikipaglaban sa mga Filisteo. Isa sa mga Filisteo ay isang higante. Ang kanyang pangalan ay Goliat. Siya ay napakalaki at napakalakas. Ang mga Israelita ay takot sa kanya.
Sumigaw si Goliat sa mga Israelita. Sinabi niya sa kanilang pumili ng isang taong makikipaglaban sa kanya. Walang may gustong makipaglaban sa higante. Sumisigaw si Goliat sa kanila tuwing umaga at tuwing gabi sa loob ng 40 araw. Wala sa mga Israelita ang gustong lumaban sa kanya.
Ang mga kapatid ni David ay nasa hukbo ng Israelita. Pinapunta ni Isai si David upang magdala ng pagkain sa kanila.
Nakita ni David ang higante. Narinig niya si Goliat na sumisigaw. Nakita niya na ang mga kalalakihan ay takot kay Goliat.
Sinabi ni David na siya ang lalaban sa higante. Ang kanyang mga kapatid ay nagalit. Sinabi nila na si David ay dapat na nag-aalaga ng tupa.
Alam ni David na tutulungan siya ng Diyos. Dumampot siya ng limang bato. Kinuha niya ang kanyang tirador at lumapit upang labanan si Goliat.
Nakita ni Goliat na si David ay bata pa. Siya ay nagalit. Sinigawan niya si David at siya’y pinagtawanan. Sumigaw din si David. Sinabi niyang tutulungan siya ng Diyos na patayin si Goliat.
Si Goliat ay lumapit kay David upang makipaglaban. Pagkatapos ay nilagyan ni David ng bato ang kanyang tirador at inihagis niya ang bato.
Ang bato ay tumama sa noo ni Goliat. Si Goliat ay bumagsak sa lupa.
Kinuha ni David ang espada ni Goliat at pinutol niya ang kanyang ulo.
Nakita ng mga Filisteo ang pagpatay ni David kay Goliat. Sila ay natakot at tumakbong palayo. Tinulungan ng Diyos si David na patayin ang higante.
Answers & Comments
Answer: