Answer:
Sa bawat tanong, at sa bawat problema
Sa pagdadalawang isip, at minsa’y pagdududa
Sa hirap ng buhay at minsa’y sabay sabay pa
Kumapit ka lang, kaibigan, magpakatatag ka
Sundin ang iyong puso tuwing ika’y nalilito
Dinggin mo ang tibok at ang gustong sabihin nito
Dahil ang puso ay bihira nga raw magkamali
Ngunit pagiisipan rin dahil nasa dulo ang sisi
Pakinggan mo rin ang utak na maraming sasabihin
Isipin ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin
Ngunit minsa’y dulot lamang nito ay pagkalito
Dahil bihira lamang ang puso’t isipan na magkasundo
Ano nga ba ang tama, ang hirap sagutin
Pero huwag mo naman masyadong damdamin
Ang lahat ng nasa loob mo’y gamitin
Upang ang bawat problema ay matapang mong haharapin
Ang puso’t isipan ay minsan man nga magkasundo,
Matuto ka lamang at pagisipan mo ng todo
Wala namang masama sa pagiging metikuloso
Kaysa naman sa utak o puso na minsa’y nagpapakabobo
Tatagan mo kaibigan, ang laban sa buhay
Gamitin ang mga lamanloob mo bilang iyong gabay
Ipasok mo lang sa puso at sa isipan ay ilagay
Kapag ika’y nalilito, gamitin mo lamang ng sabay
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments