Ang likas sa pagkatao (Ingles: human nature), na tinatawag ding kalikasan ng tao, ay kinabibilangan ng mga katutubo o taal na ugali at sariling mga katangian ng tao, o kaya ng mga katangiang kailangan o natatangi upang matawag ang isang nilalang bilang isang tao. Kabilang sa mga katangiang ito ang paraan ng pag-iisip, pagdama, at pagkilos na likas na taglay ng tao.
Kasama sa pinakamatatanda at pinakamahahalagang mga katanungan sa pilosopiyang kanluranin ang mga sumusunod: kung ano ang mga katangiang ito, kung ano ang nagdurulot ng mga ito, at kung paano nagaganap ang mga pagsasanhing ito, at kung gaano namamalagi o pirmihan ang likas na pagkatao. Ang mga tanong na ito ay may partikular na mahahalagang mga pagkakadawit sa larangan ng etika, politika, at teolohiya. Bahagyang dahilan nito ang maaaring ituring ang likas na pagkatao kapwa bilang isang napanggagalingan ng mga pamantayan ng kaasalan o mga paraan ng pamumuhay, pati na ang lumilitaw na mga balakid o mga pag-ampat sa pagkakaroon ng pagkakataong makapamuhay ng isang mabuting buhay.
Ang masasalimuot na mga implikasyon ng ganyang mga katanungan ay kinakaharap din sa sining at panitikan, habang ang maramihang mga sangay ng Araling Pantao ay sama-samang bumubuo ng isang mahalagang sakop ng pag-uusisa sa likas na pagkatao, at ang katanungan ng kung ano ang kahulugan ng pagiging isang tao. Ang mga sangay ng kapanabayang agham na may kaugnayan sa pag-aaral ng likas na pagkatao ay kinabibilangan ng antropolohiya, sosyolohiya, sosyobiyolohiya, at sikolohiya, partikular na ang sikolohiyang pang-ebolusyon at sikolohiyang pangkaunlaran. Ang tinatawag na ang pagtatalo hinggil sa "kalikasan laban sa pagpapalaki at pag-aalaga" ay isang malawak mapagsama at kilalang-kilalang pagkakataon ng isang talakayan hinggil sa likas na pagkatao sa mga likas na agham.
Answers & Comments