Ang mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw ay tinatawag na pandiwa. Ito ang nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita. Ang pandiwa ay may tatlong aspekto. Ito ay ang perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Ang mga aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kailan nangyari ang isang kilos o galaw. Narito ang kahulugan ng bawat isa.
Perpektibo
Ang perpektibo ay tumutukoy sa pandiwa na naganap na, nangyari na o tapos na. Ito ay gumagamit ng panlaping na-, nag-, ni- at -in-.
Halimbawa ng Perpektibo
naglaro
nagluto
niregalo
binasa
tinapon
nadapa
Imperpektibo
Ang imperpektibo naman ay tumutukoy sa pandiwa na kasalukuyang nagaganap, kasalukuyang nangyayari o kasalukuyang ginagawa. Ito ay gumagamit ng panlaping nag- at -in- at may inuulit na pantig.
Halimbawa ng Imperpektibo
nagwawalis
naglalakad
sinasayaw
kinakanta
Kontemplatibo
Ang kontemplatibo ay nagpapahayag ng pandiwa na magaganap pa lamang, mangyayari pa lamang o gagawin pa lamang. Ibig sabihin ay hindi pa nasisimulan ang kilos o galaw. Ito ay gumagamit ng panlaping mag- at ma- at kadalasang inuulit din na pantig.
Answers & Comments
Answer:
Aspekto ng Pandiwa

Halimbawa ng Kontemplatibo
maglilinis
magpapasa
magpunta
mamimili
maliligo
Explanation: