Natutulungan nito ang mga mag aaral sa kanilang takdang aralin sa pamamagitan ng mga video na ina upload ng ibang tao.
Nakakapagbigay ito ng mga impormasyon na nagagamit natin.
Sa mga bata, nakakatulong ito upang malaman at matutunan nila ang mga aralin lalo na ang alpabeto.
Nakakatulong rin ito sa mga guro upang maituro ang tamang tunog, hugis o kung ano mang maaaring malaman ng isang bata lalo na ang mga kindergarten.
Sa mga nanay, nakakatulong ang youtube lalo na kung nais nilang magluto ng iba pang putahe. Tinuturo rito kung paano ito gagawin o lulutuin.
Tinuturo rin sa youtube ang mga paraan ng nais mong gawin halimbawa na lamang ang pagkukumpuni o kung paano mag bake.
Mayroon ding tutorial na makikita sa youtube kung paano magtipa ng mga instrumento o kung paano ang tamang pagkanta.
Napapanood mo rin ang mga paborito mong palabas na ina upload sa Youtube. Dahil dito maaari mo ng mapanood ang paborito mong palabas ano mang oras mo gustuhin.
Dahil sa Youtube, malalaman mo rin kung ano ang mga impluwensya ng ibang bansa. At matutunan mo kung paano ang kanilang kabuhayan.
Dahil sa Youtube, malalaman mo ang iba't ibang putahe sa iba't ibang bansa at kung paano ito lutuin.
Dahil sa Youtube, matututuhan natin ang mga salita ng iba't ibang tao sa iba't ibang mundo at sa kalaunan ay magkakaroon rin tayo ng kaalaman dito.
Dahil sa Youtube, nalalaman natin ang mga kaugalian, mga katutubong sayaw dito sa ating bansa at maging sa iba't ibang bansa.
Masamang epekto ng Youtube
Sa kabila ng magagandang mapapanood sa Youtube, mayroon rin itong mga palabas na hindi pwede sa mga bata.
Naglalaman rin ito ng mga pornograpiya na hindi maaaring mapanood ng mga bata o kabataan.
Nagbibigay rin ito ng mga masasamang larawan o bidyo na maaaring makita ng mga kabataan.
Nakakaubos ito ng oras lalo na kung hindi ginagamit ang Youtube sa tamang paraan.
Sa mga bata, kung sila ay nakakapanood ng ibang programa o video, kadalasan ay ginagaya nila ito at hindi nila alam na mali na pala ito.
Nakakapagbigay rin ang website na ito ng mga masasamang imahe na hindi dapat gayahin.
Ano nga ba ang Youtube?
Ang Youtube ay isang website kung saan maraming video ang mapapanood rito. Ito ay ang mga uploaded or recorded videos na iba't ibang tao sa iba't ibang bansa. Maraming videos ang laman ng Youtube. Kailangan mo lamang itong piliin kung ano ang mas makakabuti, makakatulong at makakapagbigay sayo ng tamang impormasyon. Ang Youtube ay ginawa nila Steve Chen, Chad Hurley at Jawed Karim. At noong 2006, ito ay binili sa kanila ng Google at naging sangay ng kumpanya.
Ang Youtube rin ay madalas gamitin ng mga guro lalo na sa mga mababang antas ng paaralan. Isa ito sa mga materials nila sa pagtuturo ng mga aralin.
Kung nais mo pang makabasa ng iba pang detalye o impormasyon tungkol sa paksang ito, maaari mo ring i-click ang mga links na ito:
Answers & Comments
Answer:
Mga kahalagahan ng Youtube

#LetsStudy