Ang paggamit ng mga magagandang salita ang nagbibigay ng galak, kulay, pag-ibig at kapayapaan sa buong sanlibutan.
Napakalaki ng papel na ginagampanan ng wika sa anumang larangan ng kabuhayan at katauhan ng bawat indibidwal. Mula sa mga musmos na kaisipan ang wika ang humubog at ginamit upang gabayan ang henerasyon ng mga kabataan.
Maraming mga halimbawa ng barayti ng wika, sa hangarin na ma-iangat ang kabuhayan at magkaroon ng mapagkakakitaan, ang wika pa rin ang gamit na sandata. Ang pagiging matatas sa paggamit ng anumang uri ng wika ay napakahalaga sa sektor ng paggagawa.
Upang maihatid ng mga mamamahayag ang mga balita at kaganapan sa saan mang panig ng mundo, tayo rin ay gumagamit ng wika. Ipinapahayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa radyo, telebisyon, pahayagan at maging sa social media. Wika rin ang ginagamit sa paglimbag ng anumang uri ng mga babasahin sa libro, magasin at mga eBook.
Answers & Comments
Answer: