Ang salitang paghihinuha ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na hinuha. Ang ibig sabihin nito ay pagbubuo o pagmumungkahi ng maaaring maganap o kahinatnan ng isang pangyayari. Ito ang pasya, hatol, palagay o opinyon batay sa katibayan at pangangatwiran. Ito ay nabubuo base sa paniniwala at nararamdaman ng isang tao. Sa Ingles, ito'y inferring.
Paghihinuha at Paghuhula
Ang paghihinuha at paghuhula ay mga prediksyon ukol sa maaaring mangyari. Upang makabuo ng hinuha at hula ay gumagamit ng mga impormasyon na makatutulong tulad ng clues, tanda, bakas o palatandaan. Ang mga ito ay madalas ginagamit sa kwento at nobela. Tandaan na hindi makakagawa ang isang tao ng hinuha o hula kung hindi lubusang naunawaan ang binasa. Kaya kailangan intindihin mabuti ang mga impormasyon sa binabasa.
Explanation: Halimbawa ng Hinuha
May mga ginagamit na salita sa paghihinuha. Halimbawa nito ay baka, marahil at siguro. Narito ang ilang halimbawa ng hinuha:
Marahil totoo ang kanyang mga sinabi.
Tila uulan ng malakas dahil sa madilim na kalangitan.
Siguro marami ang boboto sa kanya bilang presidente dahil siya ay kilala ng maraming Pilipino.
Baka masarap ang kanilang luto kaya marami ang kumakain sa karinderya nila.
Answers & Comments
Answer: Ibig Sabihin ng Paghihinuha