Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Sanaysay na Pormal
• Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o magpaliwanag.
• Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
• Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.
• Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.
Sanaysay na Di-Pormal
• Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
• Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng may-akda.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o mangganyak.
• Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng may-akda.
• Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.
Iyan ang kahulugan ng sanaysay na pormal at di-pormal. Sana ay makatulong ito kapag sumulat ka ng iyong sariling sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Answers & Comments

Good Luck!
Hope it helps!
Always happy to help :)
Thanks me later.
Answer:
ANO ANG IBIG SABIHIN NG SALITANG PORMAL AT DI PORMAL?
Explanation:
Ang pormal na salita ay ginagamit sa bokabularyo at mas maganda at tama ang pagkakasabi
Di-Pormal na Salita
Ang di-pormal na salita ay tinatawag ding impormal na mga salitang karaniwan sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan