ano ang himig ng korido at ilarawan ang mga tauhan nito
Answers & Comments
oliveramiluy
Answer:Ano ang ibig sabihin ng korido?
Ang korido ay isang uri ng panitikan na nasa anyong patula. Ang paksa nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan na hindi maaaring mangyari sa tunay na buhay. Makasaysayan, maguni-guni, kagilagilalas at may kapangyarihang supernatural ang mga kaganapan dito. Ang bawat taludtod ay may walong pantig. May apat na taludtod naman ang bawat saknong.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna
Don Juan Tiñoso
Don Juan Teñoso
Mariang Kalabasa
Ang Haring Patay
Mariang Alimango
Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz
Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz
Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla
Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Ang awit at korido ay parehong patulang salaysay na paawit kung basahin.
Paghahambing sa Awit at Korido
Ayon sa Sukat, Anyo, Musika at Tempo
Ang korido ay mabilis ang bigkas samantalang ang awit naman ay may kabagalan ang bigkas.
Ang korido ay may walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantalang ang awit naman ay may labindalawang (12) pantig at ito ay inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro” .
Ang awit ay nagpapahiwatig ng mga aral samantalang sa korido ang ikinawiwili ng mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito .
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz
Salita at Buhay ni Mariang Alimango
Prinsipe Igmidio at Prinsesa ClarianaExplanation:
Answers & Comments