Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".
Panghalip na Panao Baguhin
Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.
Ang panghalip na panaong simuno ay nakikita sa unahan ng ay at nasa hulihan ng pangungusap kapag walang ay. Ang panghaip na panaong nagaganap ay laging nasa bahaging panaguri at nakikita kasunod ng pandiwa.
Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), at siya (he/she)
Panghalip na Paari Baguhin
Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.Mahalagang tandaan ang mga sumusunod tungkol sa panghalip na paari:
Lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang "ay" at sa unahan ng pangungusap kung walang "ay".
Hindi ito dapat sinusundan ng pangngalan.
Hindi ito dapat may "sa" sa unahan.
Halimbawa: "Ang bansang Pilipinas ay atin." , "Kanya ba ang magandang proyekto?"
Kapag ang salitang nagpapakita ng pag-aari ay nasindan o may nauunang pangngalan, hindi na ito panghalip. Sa halip, itinuring na itong panuring.
Halimbawa:
Ang bagong damit ay akin. (panghalip)
Ang aking damit ay bago. (panuring)
Panghalip na Pananong Baguhin
Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun.Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what), ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin
Panghalip na Pamatlig Baguhin
Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton.Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig na w at y.
Halimbawa: "Ligtas diyan ang anak mo."
Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig at mga malapatinig na w at y.
Panghalip na Panaklaw Baguhin
Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang sumusunod: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, "saanman", at "ilan"
Answers & Comments
Answer:
isahan: ako, akin, iyo, ko, ikaw, mo
dalawahan: kata, kita, tayo, inyo ninyo
maramihan: tayo, kami, amin, namin, atin, natin.
Explanation: