Apektado ng pagbabago ng klima ang sistema ng panahon, lebel ng tubig sa dagat, gleysyal na yelo, at ang wildlife, kasama na ang mga halaman at hayop. Dahil sa climate change, nagiging mahirap tayain ang padron ng panahon at nagkakaroon ng di-pangkaraniwang weather events gaya ng malalakas na pag-ulan, mga super typhoon, matitinding pag-ulan ng niyebe, malalalang heat waves, at matatagal na tagtuyot.
Dahil sa global warming, nagiging lalong mainit at mahalumigmig ang paligid dahil nagiging singaw o vapor ang mga tubig sa ilog at dagat. Bumibilis at nagiging mas malawak din ang pagkatunaw ng mga bundok ng yelo kaya tumataas ang lebel ng tubig sa dagat, na kalaunan ay maaaring magpalubog sa mabababang dako at magdulot ng pagguho ng mga bangin, buhanginan, at dalampasigan.
Nasisira rin ang ecosystem. Ang maraming mga hayop at halaman ay nahihirapang mag-adapt sa nagbabagong klima. Lumilikas sa mas malamig o mataas na dako ang ibang hayop, nagiging extinct ang ibang species, nagkakaroon ng bleaching at pagkasira ng mga coral reef sa dagat, at tumataas ang lebel ng acidity sa karagatan dahil sa malaking konsentrasyon ng carbon dioxide sa paligid.
Epekto sa kabuhayan
Malaki ang epekto ng climate change sa kabuhayan ng mga tao. Sa pagsasaka halimbawa, nakasalalay ang tagumpay sa pagiging natataya (predictability) ng panahon, upang mapaghandaan ang mga susunod na hakbang para sa masaganang ani at kita. Ang pagiging unpredictable ng panahon bunga ng pagbabago ng klima ay magpapataas sa gugol sa pagtatanim at magpapataas sa presyo ng kalakal.
Totoong apektado ng pagbabago ng klima ang agrikultura. Dahil sa mga pagbabago sa padron ng presipitasyon, mas matatagal na tagtuyot, at pagdami ng mga mapinsalang insekto at mga sakit- halaman ay namamatay ang mga pananim, kung kaya’t nagreresulta ito sa pagkalugi.
Apektado rin ng mga kalamidad na dulot ng climate change ang pag-export at pag-import ng mga produkto. Dahil sa mga pagbaha sa mga coastal area dahil sa pagkatunaw ng mga bundok ng yelo, apektado ang kabuhayan ng mga tao ruon gaya ng turismo.
Epekto sa lipunan
Apektado ang lipunan ng mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima gaya ng bagyo, baha, pagguho ng lupa, at tagtuyot. Nagbubunga ang mga ito ng pagkasira ng mga bahay at pagkawala o pagtaas ng presyo ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Apektado rin ang kalusugan at buhay ng mga tao. Kapag mas mainit ang panahon, mas dumarami ang insekto at hayop na maaaring magdulot ng sakit, gaya ng lamok at mga daga. Darami kung gayon ang kaso ng leptospirosis, malaria, yellow fever, dengue, encephalitis, at mga kauri nito. Mas marami rin ang nagkakasakit o namatay dahil sa heat wave at heat stress.
Dahil apektado ang kabuhayan at produksiyon ng pagkain, maaaring magkaroon ng maraming kaso ng malnutrisyon at malnourishment. Dahil dumarami sa kapaligiran ang lebel ng mainit na hangin na may pollens, pollutants, at mold spores, marami rin ang magkakaroon ng allergy at respiratory diseases (gaya ng pneumonia, tuberculosis, lung cancer, at iba pa
Answers & Comments
Answer:
Epekto sa kapaligiran