Ang Dambanà ng Kagitíngan (Shrine of Valor sa Ingles) ay isang pambansang dambana na matatagpuan malapit sa tuktok ng Bundok Samat, isang makasaysayang bundok sa Barangay Diwa, bayan ng Pilar, lalawigan ng Bataan. Itinayô ang dambana bilang pagkilála sa kabayanihan ng mga Filipinong lumaban at nag-alay ng búhay para sa kanilang bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang Dambanà ng Kagitíngan (Shrine of Valor sa Ingles) ay isang pambansang dambana na matatagpuan malapit sa tuktok ng Bundok Samat, isang makasaysayang bundok sa Barangay Diwa, bayan ng Pilar, lalawigan ng Bataan. Itinayô ang dambana bilang pagkilála sa kabayanihan ng mga Filipinong lumaban at nag-alay ng búhay para sa kanilang bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Naging tagpo ang Bundok Samat ng Labanang Bataan, ang pinakamadugong yugto ng pananakop ng hukbong Japanese sa Filipinas at mahigit sandaang libong sundalong Filipino at Americano ang namatay. Sinimulan ang paggawa sa dambana noong 1966 at natapos noong 1970. May lawak itong 73,665 ektarya at nagtatampok ng Colonnade at Memorial Cross. Ang kolonado ay may tuktok na yari sa marmol. Sa gitna nitó ay isang altar, at sa likod ng altar ay tatlong stained glass mural na idinisenyo ni Cenon Rivera at ginawa ng Italyanong si Vetrate D’Arte Giuliani. Matatagpuan sa labas ng kolonado ang 19 lilok ng Pambansang Alagad ng Sining Napoleon Abueva.
Answers & Comments
Answer: