Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. Ito ay tanyag sa Europa noong Edad Media at naging bantog sa Pilipinas noong 18 na siglo. Ito ay may dalawang anyo, ang awit at ang korido. Nagkakaiba ang dalawang ito ayon sa sukat, himig at pagkamakatotohanan.
Awit
Ang awit ay binubuo ng 12 na pantig sa loob ng isang taludturan. Ang paksa nito ay tungkol sa mga bayani, alamat, mandirigma at larawan ng buhay. Ang mga tauhan dito ay walang taglay na kapangyarihang supernatural. Ito ay makatotohanan o hango sa tunay na buhay. Pagdating naman sa himig ay mabagal ito o adante. Ito ay sadyang para awitin. Ang halimbawa nito ay Florante at Laura.
Korido
Ang korido naman ay binubuo ng walong pantig sa isang taludturan. Ang paksa nito ay tungkol sa pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang mga tauhan dito ay may kapangyarihang supernatural o may kakayahang magsagawa ng kababalaghan. Ang himig naman nito ay mabilis o allegro. Ito ay sadyang para basahin at hindi awitin. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna.
Para sa halimbawa ng awit at korido, alamin sa link:
Answers & Comments
Answer:

brainly.ph/question/2090969
Explanation:
hope it help