Persona - tumutukoy ito sa nagsasalita sa loob ng tula. Kailangang malinaw kung sino ang nagsasalita sa loob ng tula. Kung bata o matanda ang persona na ginamit sa tula, malalaman ito sa paraan ng kaniyang pananalita gayundin ang lengguwahe ng kaniyang kasarian, edad, gawain, at kalagayan sa lipunan.
Talinghaga - ito ang pinakamahalagang sangkap o elemento ng tula. Kung walaraw nito, hindi matatawag na ganap na tula ang isang hinabing tula. Ang paggamit ng talinghaga ang nagbibigay-kulay at ganda sa isang tula.
Tugma - may dalawang uri ng tugma na ginagamit sa dulo ng mga salita saisang saknong/taludturan. Tinatawag itong tugmang patinig at tugmang katinig. Makikita sa tugmang patinig na nagtatapos ang mga salita sa parehong patinig magkatunog na patinig. Sa kabilang banda, sa tugmang katinig ay may tinatawag na tugmang malakas at tugmang mahina. Ang mga katinig na b, k, d, g, p, s, at tay magkakasintunog at nasa kategorya ng tugmang malakas at ang mga katinig naman na l, m, n, ng, r, w, at y ay nasa kategorya ng tugmang mahina. May dalawang set ng tugmaang di-ganap na maaaring magamit sa paghabi ng tula. May mga katulad ng tunog ng (ab), (ib), at (ob) at ang tunog ng (an), (in),at (on).
Sukat - Tumutukoy ito sa tiyak na bilang ng pantig sa bawat taludtod. Kailangang konsistent ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng isang saknong. Hindi maaring iba-iba ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Kung ganito ang mangyayari, magiging isang tulang may malayang taludturan ang mabubuo.
Answers & Comments
Answer:
1.)Tugma
2.)Sukat
3.)Tono/Indayog
4.)Tema/Paksa
Explanation:
Pabrainliest po
Elemento ng Tula