Questions


December 2022 1 3 Report
Ano ako magaling? Para sa bilang 1-4 Panuto: Piliin ang paksa ng mga sumusunod na talata. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
________________________________
1. Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa magandang kinabukasan. Uunlad ang ating bansa kapag ang mamamayan ay mayaman sa kaalaman. Mapapaunlad ang ating sarili upang makatulong sa iba. Ang edukasyon ang makapagpapaunlad ng ating teknolohiya at kabuhayan.

A. Ang bukas ay isang edukasyon.
B. Maraming teknolohiya ang Pilipinas.
C. Ang edukasyon ay kailangan sa pagkakaroon ng magandang bukas.
D. Ang edukasyon ay makatutulong sa pag-unlad ng sarili upang tumulong sa iba.
________________________________
2. Malimit na pagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinagbabahayan ng mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa palikuran. Ang pagwawalang-bahala ng mga mamamayan sa nayon, bayan, probinsya at maging sa siyudad ay patuloy na magdudulot ng suliranin. Lumingon ka at naroon ay polusyon. Bakit hindi tayo magsama-sam? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit? Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran!

A. Kalimutan ang pagiging malinis.
B. Ang kapaligiran ay pinagmumulan ng sakit.
C. Magtulungan upang magkaroon ng malinis na kapaligiran.
D. Nagwawalang-bahala ang ibang mamamayan ng bansa ukol sa kapaligiran.
________________________________
3. Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating mahalin ang kapwa at ang ating bayan. At ang higit nating pakamahalin ay ang Poong Lumikha sa atin.

A. Mahalin lamang ang kapwa.
B. Mawala na ang lahat sa mundo.
C. Tama na ang mabuhay sa mundo.
D. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan, at poong Maykapal.
________________________________
4. Maraming pulitiko ang nangangako sa mamamayan. Karamihan sa kanilang pangako ay hindi natutupad. Binigyan ang mamamayan ng karapatang bumoto. Piliin ang tapat na pinuno. Isang pinuno na nakikita ang kailangan ng

A. Kailangan ang pinunong makasarili.
B. Mabuti ang mangako kaysa sa wala.
C. Tayo'y may karapatang pumili ng pinuno.
D. Karamihan sa mga pulitiko ay nangangako at hindi natutupad ang kanilang pangako.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.