Noong araw ay napakasisipag ng mga tao. Masisipag sila sa pagtatanim ng mga halaman. Masisipag rin sila sa pag-aalaga ng iba't ibang mga hayop.
Bagamat karamihan ay may mga alagang hayop, ang inaalagaan nila ay itong siguradong makatutulong sa kanilang pagtatanim at pagsasaka.
Sa lugar na iyon ay may isang pamilya na bagong lipat. Sa halip mag-alaga ng mga hayop na maka-tutulong sa pagsasaka ay nag-alaga sila ng mga baboy.
Mabilis dumami ang kanilang mga alaga kaya naman naging katuwaan ng mga bata na panoorin ang mga ito lalo na sa oras ng paliligo.
Dahil maraming alaga, karaniwan na ring nagkakatay ng baboy ang pamilya para ipamigay ang karne sa mga kapitbahay.
Mabilis dumami ang mga baboy kaya nagpasya ang pamilya na magpagawa ng malaking kulungan.
Minsan ay nayaya ang pamilya sa isang pagtitipon. Hindi agad sila nakauwi kaya nagwala ang mga baboy dahil sa gutom. Nagawa nilang sirain ang kulungan kaya nakatakas ang iba. Humingi ng tulong ang pamilya sa mga kapitbahay. Nagkagulo ang lahat sa paghuli sa mga nakawalang baboy. Sa pataniman kasi ng mga halaman nagtakbuhan ang mga ito at tiyak nilang pag hindi agad nahuli ay maraming tanim ang mapipinsala. Dahil sa pagkakagulo ay naiwan ng isang babae ang niluluto. Naging dahilan iyon ng pagkasunog ng bahay nito at ng buong lugar.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
eto lang alam ko