ang
kiing
Tumulong Sa Kapuwa
Ang mabuting mamamayan ay maawain at matulungin sa kapwa. Ito'y dahil sa
ating paniniwala na ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. Mahal ng
Panginoon ang lahat. Kaya nararapat din na mahalin natin ang ating kapuwa.
Ang pagtulong sa kapuwa lalo na kapag may sakuna o kalamidad kagaya ng
bagyo, lindol, baha, sunog, pagsabog ng bulkan at iba pa ay likas sa mga Pilipino. Ito'y
kaasalang Pilipino na minana pa natin sa ating mga ninuno na dapat gawin at
pagyamanin
Minsan ay mayroon tayong hindi pagkakasundo sa ating kapuwa. Ngunit kapag
may sunog o baha o anumang pangyayaring mapanganib ay hindi natin matiis na
sila'y hindi tulungan at damayan. Naghahandog tayo ng damit, pagkain at mga gamit
sa nasalanta ng kalamidad.
Bilang mag-aaral, makatulong din tayo at ang ating paaralan sa mga taong
nangangailangan. Bukod sa mga pagkain, salapi at mga damit na ibinibigay, mabuti
rin na turuan din natin sila ng mga gawaing mapagkakakitaan upang makapagsarili sa
mga darating na araw. Maliban dito, maaari rin nating ibahagi sa mga kabarangay ang
anunsiyo sa radyo kung may parating na bagyo o kalamidad, Itawag sa malapit na
himpilan ng pulisya kapag may nasaksihan mga krimen, nakawan at iba pang
malubhang pangyayari. Tumawag din ng saklolo kapag may emergency na
nagaganap. May mga ahensiya din ng pamahalaan na maari nating hingian ng tulong
kagaya ng DSWD, PCSO at iba pa. Tunay na buhay sa ating mga Pilipino ang diwa
ng bayanihan!

1. Anong damdamin ang nararapat maghari sa ating puso para sa ating
kapwa?
2. Anong likas na katangiang mayroon o taglay ng isang mamamayang
Pilipino?
3. Bakit nararapat na may pagtutulungan tayo sa isat-isa?
4. Bilang mag aaral, paano mo maipapakita ang pagtulong sa inyong kapuwa
lalo na sa panahon ng kalamidad o sakuna?
5. Ano - anong ahensiya ng pamahalaan ang maari pa nating hingian ng tulong
sa oras ng sakuna?
6. Alin ang mas mainam, ang tumulong o ang tutulungan? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.