Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.[1] Ginawa nila ang unang balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng elemento ng tula katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: