ANG TALAMBUHAY NI ANDRES BONIFACIO Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kaniyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag na Supremo. Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na mahirap. Ang kaniyang ina ay halfSpanish at may sarili siyang tagaturo. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang buhay nang pumanaw ang kaniyang mga magulang noong 14 na taong gulang siya dahilan upang matigil siya sa kanyang pag-aaral. Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal na edukasyon, tinuruan niya ang kaniyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog, na naging dahilan upang makakuha siya ng trabaho bilang clerk-messenger sa isang kompanyang Aleman. Sinasabing interesado si Bonifacio sa klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim na interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Estados Unidos dahilan upang makakuha siya ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na proseso. Ang kaniyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kaniyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa

1. Kailan at saan ipinanganak si Andres Bonifacio?

A. Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila

B. Nobyembre 30, 1683 sa Tondo, Lungsod ng Maynila

C. Nobyembre 30, 1386 sa Tondo, Lungsod ng Maynila

D. Nobyembre 30, 1865 sa 10th Ave., Lungsod ng Caloocan

2. Sino sino ang mga magulang ni Andres Bonifacio?

A. Santiago De Jesus at Catalina dela Cruz

B. Santiago Bonifacio at Catalina de Castro

C. Andres Bonifacio Sr. at Catalino Castro

D. Jose Bonifacio at Nimfa de Castro

3. Ano ang nagtulak kay Andres na turuan ang sarili sa pag-aaral?

A. Ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang noong 14 na taon lamang siya.

B. Ang pagkakaroon ng rebolusyon.

C. Ang pagsali niya sa La Liga Filipina.

D. Ang pang-aapi sa kaniya ng mga Kastila.

4. Sa pagbabasa ni Bonifacio ng iba’t ibang mga aklat, nagkaroon siya ng pag-unawa

sa

A. Mga naging pangulong ng Estados Unidos

B. Panitikan at Kultura ng mga bansa sa Asya

C. Kalagayan ng mga sinakop na bansa

D. Socio-historical na proseso

5. Bakit sumali si Bonifacio sa La Liga Filipina na itinatag ni Dr. Jose P. Rizal?

A. Upang maghimagsik sa mga prayle na umalipin sa mga Filipino.

B. Upang maghiganti sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang.

C. Upang maging malapit sa iniidolong binate na si Rizal.

D. Upang mabago ang kalagayan ng kaniyang mga kababayan sa ilalim ng

kolonyalismo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.