Questions


September 2022 1 4 Report
Ang Sirena at si Santiago (Mitolohiya mula sa Pagadian)

Noong unang panahon, pinaniniwlaan na ang Sirena ay isang nilalang na may katawan ng kalahing tao at kalahating isda. Sa paniniwala ng madami ang mga ito ang siyang bumibiktima sa madaming mangingisda Maraming siglo na ang nakararaan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisda. Si Santiago ay isang magilas na mangingisda ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran sa alon ng dagat upang makadami na huling isda.

Isang hapon, habang siya ay mag-isang nangingisda nakadinig siya ng napakagandang tinig, hinanap nya ito, at kanyang natagpuan. Sa kanyang pagka-bigla ang may ari pala ng magandang tinig ay isang napagandang dilag ngunit ito ay mayroong buntot na katulad ng sa isda.

Ang sirenang si Clara, nang mapansin nito na may nakatigin sa kanyang agad itong natakot at nagmadaling lumangoy palayo. Hinabol ni Santiago ang dalaga sa pamamagitan ng mabilis na pagsasagwan.Kinumbinsi ng binata na siya ay kausapin nito, nagpakilala ito gayundin ang dalaga. Dito nagsimula ang kanilang madalas na pagkikita hanggang sa magkaroon sila ng damdamin sa isa't-isa. Nagkaroon sila ng tapatan sa kanilang damdamin. sa kalaunan sila ay naging magkasintahan.Ginustong sumama ni Santiago sa kaharian ng dalaga, tumanggi si Clara ngunit nagpumilit ang binata hanggang sa ito ay kanyang napahinuhod.

Tatlong araw ang lumipas na hindi nakikita ng magulang ni Santiago ang binata. Sila ay nagpatawag ng mga kapwa mangingisda upang hanapin ang kanilang anak. Sa kanilang paghahanap sila ay nagulat sa kanilang nakita. Sirena ang kasama ni Santiago, agad nila itong sinulong sa pag-aakalang ginayuma nito ang binata. Ginawa ni Santiago ang lahat para protektahan ang kasintahan ngunit siya ay tinamaan ng balsa, ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Pinilit pa din ni Clara na makatakas ngunit siya ay naabutan at pinatay ng mga mangingisda.

Ang lahat ng ito ay nakita ng mga isda. Ipinaalam nila sa puno ng mga sirena ang pangyayari. Nagalit ang pinuno, pinatawan nya ng parusa ang mga tao nagpakawala sila ng napakalakas na alon(Tsunami) na nagdulot ng pagkamatay ng mga mangingisda at pagkasira din ng buong lungsod ng Pagadian. Ang tsunaming ito ay nag-iwan ng isang bangin na nagsisislbing palatandaan ng kanilang kasakiman. Sa ngayon ang mga tao ay naging mabait na sa dagat, isda o sa kanilang kapwa at sa sirena rin.

Gawain 10 - Panuto: Ihanay sa mo sa loob ng dayagram ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na binasa. Gumamit ng mga salitang pangtransisyon o pangatnig sa iyong gagawing buod.

Panimula

Gitna

Wakas

​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.