Ang salitang “ug-ugbo” ay salitang Kankana-ey ng mga taga Mayag, Isang baryo ng Bauko sa
probinsiya ng Montaňosa sa rehiyon ng Cordillera, na ang ibig sabihin ay pagtutulungan, sinasalamin
ang diwa ng boluntaryong pakikiisa ng bawat naninirahan dito. Ito ay pagtutulungan sa mga pang
araw- araw na gawaing karaniwan ay sa nayon nangyayari.
Ang Ug-ugbo ay nangyayari sa mga grupo ng kalalakihan o grupo ng mag kababaihan.
Ginagawa ang ug-ugbo para mapabilis ang pagtapos ng isang trabaho at para na rin mapagaan ang
paraan ng paggawa ng sama-sama. Karaniwan ay isinasagawa ang ug ugbo sa gawaing bukid.
Kapag may sampung miyembro sa isang grupo, sila ay magbubunutan ng petsa na itinakda nilang
sampung araw upang magtrabaho sa bukid. Gagawin ng grupo kung ano ang ipagagawa ng taong
nakabunot sa petsa na iyon. Ang unang araw halimbawa ay nabunot ni Gatan, lahat ng kasali sa grupo
ni Gatan ay pupunta sa kanilang bukid at gagawin ang ipapagawa niya sa buong grupo. Kung pagaararo at paghahanda ng hagdan-hagdang palayan ang ipagagawa niya, lahat ay magtutulungan
mula umaga hanggang uwian.
Sa grupo ay maaaring magkagrupo ang mga babae sa lalaki lalo na iyong mga pamilya na walang
taga-araro o walang babaeng malakas upang magtrabaho. Halimbawa, si Bugan ang nakabunot ng
ikalawang araw, lahat ng kagrupo niya ay magtatrabaho sa kanilang bukid. Maaring taga-araro o
taga-bungkal ang mga lalaki at taga-tanim ang mga babae. Ang paraan na ito ay matatapos kapag
lahat ng miyembro sa grupo ay napuntahan na.
Sagutin Mo (15 puntos):
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng sanaysay?
2. Anong imahe ang mabubuo mo sa mga taong nagtutulungan sa “ug- ugbo”?
3. Sa iyong palagay, may pananagutan kaya ang bawat taong kasali sa grupo ng “ug-ugbo”. Bakit?
Answers & Comments
Ang sanaysay tungkol sa "ug-ugbo" ay nagpapakita ng diwa ng boluntaryong pagtutulungan ng mga tao sa komunidad ng Mayag, Bauko, Montaňosa, Cordillera. Narito ang mga kasagutan sa iyong mga tanong:
1. Ang sanaysay ay ipinapakita ang kahalagahan ng pagtutulungan at boluntaryong pakikiisa ng mga tao sa komunidad ng Mayag sa pamamagitan ng "ug-ugbo." Ipinapakita nito na ang pagtutulungan ay mahalaga sa pagtatapos ng mga gawain sa bukid at iba pang pang-araw-araw na gawain. Ang "ug-ugbo" ay isang paraan ng mga taga-Mayag para magkaisa at mapabilis ang mga gawain sa komunidad.
2. Ang imahe na mabubuo ay ang mga taong nagtutulungan sa "ug-ugbo" ay mga taong may malasakit sa kanilang komunidad at nagkakaisa upang matulungan ang isa't isa. Sila ay nagtutulungan para sa kabutihan ng lahat at nagkakaroon ng magandang samahan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
3. Oo, may pananagutan ang bawat kasali sa grupo ng "ug-ugbo." Ang kanilang pagtutulungan ay nagpapakita ng kanilang boluntaryong pagsasakripisyo para sa kapwa at para sa ikabubuti ng kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng "ug-ugbo," sila ay nagpapakita ng pagmamalasakit at responsibilidad sa kanilang mga gawaing pang-araw-araw. Ipinapakita nito na ang bawat isa ay may bahagi at papel sa pag-unlad at pagpapabuti ng kanilang komunidad.