Questions


September 2022 1 1 Report
Ang sakit na dengue hemorrhagic fever (DHF) ay unang natuklasan nang
bandang 1950. Ang sakit na ito ay lumaganap sa mga bansang tulad ng Pilipinas at
Thailand. Ito ay isang uri ng sakit na nakamamatay.
Sa kasalukuyan, ang dengue ay lumalaganap sa maraming bansa sa Asya at
Latin America. Ito rin ang pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay ng
maraming bata sa mga rehiyong ito.
Sa Pilipinas, labis na ikinababahala ng Department of Health (DOH) ang
mataas na bilang ng nagiging mga biktima ng dengue.
Ayon sa Department of Health National Capital Region, dalawang tao na ang
namatay dahil sa dengue nang unang bahagi pa lang ng 2013. Naitala na rin ang 575
kaso ng dengue mula sa mga ospital sa Metro Manila noong Enero hanggang Pebrero
ng kasalukuyan ding taon.Ang napaulat na mga kaso ay mula sa mga lunsod ng
Maynila (108), Quezon (96),Pasig (49), Paraňaque(47), at Pasay (42).
Ang mga tinamaan ng dengue ay mula 5 buwang sanggol hanggang 67 taong
gulang. Karamihan sa mga dinapuan ay nasa edad 15 hanggang 49,at 54 na
bahagdan nito ay kinabibilangan ng kalalakihan.2
Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang mga pag-aaral upang
makalikha ng bakuna (vaccine) laban sa sakit na dengue at sa mga komplikasyon nito.
Ngunit inamin ng World Health Organization (WHO) na mahirap itong isagawa dahil
may apat na uri ang dengue. Maaaring dumapo ang dalawang uri ng dengue sa isang
tao sa magkahiwalay na panahon. Buo naman ang pag-asa ng WHO na maibibigay
nila sa publiko ang lunas sa sakit na ito sa darating na mga taon.

PAKI AYOS PO NG SAGOT NYO :) NON-SENSE ANSWERS = AUTO REPORT 5x
:]


____1. Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming bilang na dinapuan ng dengue
sa unang bahagi ng taong 2013?
A. sanggol B. kababaihan C. kalalakihan D. matatanda
____2. Ano ang pangunahing detalye ang tinatalakay tungkol sa dengue?
A. Mapangib na dengue
B. Epekto ng dengue sa mga bansa sa Asya at Latin America
C. Pag-iwas sa dengue
D. Pagsisikap ng WHO na makatuklas ng bakuna laban sa dengue
____3. Alin sa sumusunod na mga tanong ang hindi masasagot ng binasang artikulo.
A. Ilang kaso ng dengue ang naitala buhat sa iba’t ibang ospital sa Metro
Manila?
B. Paano maiiwasan ang dengue?
C. Anong gulang ang may pinakamaraming dinapuan ng dengue sa
Metro Manila?
D. Kailan natuklasan ang sakit na dengue?
____4. Ano ang maaring mangyayari kung hindi makakatuklas ng bakuna sa dengue?
A. Lalong lalaganap sa mga bansa sa Asya at LatinAmerica ang at
magiging sanhi ng pagkamatay.
B. Ang mga eksperto ay panghihinaan ng loob.
C. Ang Pilipinas ay maghihirap dahil sa dengue.
D. Walang magbabago dahil ilan lamang ang apektado.
____5. Paano natin maiiwasan ang paglaganap ng dengue?
A. Mag ehersisyo palagi.
B. Uminom ng bitamina arawa-araw
C. Matulog ng maaga.
D. Panatilihing malinis ang kapaligiran

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.