Ang Sakit na COVID-19
Ang sakit na COVID-19 na sanhi ng Coronavirus ay isang napakalalang sakit na mabilis
na kumitil sa buhay ng maraming tao sa daigdig. Walang pinipili ang sinumang matamaan nito
ngunit ang mga taong nasa murang edad (kahit mga sanggol) at ang mga tinatawag na senior
citizens ang mas kadalasang dapuan ng nasabing sakit. Gayunpaman, hindi rin masasabing
ligtas ang wala sa mga nabanggit na edad dahil sa katunayan ay maraming mga manggagamot
mismo ang binawian ng buhay. Paano pa kaya ang mga ordinaryong mamamayan?
Malubhang hirap sa paghinga ang nararamdaman ng mga taong tinatamaan ng sakit na
ito. Maaari itong kumalat mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus pa lamang, patuloy pa
rin ang pagsisiyasat at pananaliksik ng mga eksperto tungkol dito. Mayroon pa tayong mga
hindi lubos na alam tungkol sa sakit (COVID-19) na ito ngunit patuloy pa tayong natututo bawat araw. Dahil sa mga nakababahalang dulot ng pandemyang ito, ang pampublikong kalusugan sa
komunidad ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa ating estado at ang
pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat isa ay inaasahan. Kaya mabuting iwasan ang mga
pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit sapagkatindi namimili ang virus.
Ang mga taong kumpirmadong may impeksyon ng COVID-19 ay nagkaroon ng banayad
hanggang malubhang sakit sa paghinga na may mga sintomas na lagnat, ubo, at kahirapan sa
paghinga.
Ang mga taong may banayad na COVID-19 ay maaaring manatili sa bahay habang sila
ay may sakit. Kinakailangan nating bawasan ang mga aktibidad sa labas ng ating mga tahanan.
maliban sa pagkuha ng medikal na pangangalaga. Maaaring tawagan ang ating tagapagbigay
ng pangangalagang pangkalusugan kung kailangan nating humingi ng medikal na
pangangalaga
Protektahan ang ating mga sarili at ang ating komunidad kaya naman ang
pinakamainam na mga paraan upang maprotektahan ang ating sarili mula sa COVID-19 ay
gawin ang parehong mga bagay na ating ginagawa upang maprotektahan ang ating mga sarili
mula sa sipon at trangkaso. Hugasan ang mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig,
manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit, magtakip ng ilong at bunganga kapag umuubo o
humahatsing, linisin at disimpektahan ang madalas na hinahawakang mga bagay at ibabaw. 1. Ano ang sakit na nabanggit sa teksto?

2. Paano ito naiba sa ibang karamdaman o sakit?

3. Ano kaya ang maaring sanhi ng sakit na ito?

4. Ibigay ang maaring bunga nito batay sa teksto.

5. Ano-anong salitang pang-ugnay ang nagamit sa tekstong binasa?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.