Ang Sabado't Linggo
Nasasabik ako sa tuwing sasapit ang Sabado't Linggo. Ito ang
pinakamasayang araw naming mag-anak dahil magkakasama na
naman kami sa bahay. Mag-uumaga pa lamang ng Sabado gumayak
na si tatay para mamalengke. Sigurado ako bibili na naman si tatay
ng mga paborito kong pagkain. Samantalang hinahanda na ni nanay
ang kaniyang mga labahin. Hiniwalay niya ang puting damit sa mga
de kolor. Si Ate naman ay nagwawalis na ng mga tuyong dahon sa
bakuran. Si kuya naman ay nagtungo sa bodega upang kumpunihin
ang sira niyang bisikleta. Balak kasi niyang sumali sa grupo ng mga
siklista sa aming barangay. Ako naman ay masayang tumutulong sa
paglilinis sa bahay. Nagpupunas at naglalampaso ako ng sahig
hanggang sa kumintab ito. Masaya naming ginagawa ang aming
tungkulin sa bahay. Sa linggo naman ay magsisimba kami. Masaya
kaming buong pamilya sa araw ng Sabado at Linggo.
Tanong:
ay
1. Ano ang paksa sa binasa?
2. Bakit nasasabik ang sumulat tuwing darating ang araw ng
Sabado at Linggo?
3. Ano-ano ang mga gawain ng bawat miyembro ng pamilya sa
araw ng Sabado?
4. Ano naman ang ginagawa nila tuwing linggo?
5. Alin sa mga pangyayari ang naoobserbahan o nakikita mo na
ginagawa rin ng iyong pamilya? ?
6. Itala ang mga salitang kilos na binanggit sa binasang talata.
17. Ano ang iyong napansin sa mga salitang kilos na iyong naitala?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang Sabado't Linggo
2. Dahil masaya nilang ginagawa ang kanilang tungkulin sa bahay.
3. Mag-uumaga pa lamang ng Sabado gumayak na si tatay para mamalengke.
Samantalang hinahanda na ni nanay ang kaniyang mga labahin. Hiniwalay niya ang puting damit sa mga de-kolor. Si Ate naman ay nagwawalis na ng mga tuyong dahon sa bakuran. Si kuya naman ay nagtungo sa bodega upang
kumpuhin ang sira niyang bisikleta. Balak kasi niyang sumali sa grupo ng mga siklista sa aming barangay. Ako naman ay naman ay masayang tumutulong sa paglilinis sa bahay. Nagpupunas at naglalampaso ako ng sahig hanggang kumintab ito.
4. Sa panahon ng pandemya ay nanatili muna kami sa bahay. Naglilinis naman kami ng pamilya ko at kami naman ni ng kapatid ko ay ginagawa ang aming mga modyul.
5. Ginagawa lang namin ang mga gawain namin ngayong pandemya.
6. Ginagawa ang mga gawain sa bahay tuwing Sabado at pagsisimba tuwing Linggo.
7. Nakakatulong sila na gawain dahil ang paglilinis at ang pag-aalaga sa bahay ay isang mabuting gawain lalo na ang pagsisimba.
Hope this helps!