Questions


October 2022 1 5 Report
Ang Reynang Matapat
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay
dinadarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino at Hindu ang
kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna Sima, na isa sa mga
reyna na namuno ng isang kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala
siya dahil sa kanyang katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na
pamamalakad sa panunungkulan. Ang Kutang-bato ang Cotabato ngayon
na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik
at sagana ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga
batas, at ang sinomang lumabag sa ipinag-uutos niya ay pinarurusahan.
Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng rena ay ang
paggalang, paggawa at katapatan ng kaniyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Tsino sa
kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa
kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang
kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinomang mangangalakal
habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-bato.
Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian
ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo.
Hindi ito ipingalaw ng Reyna. Ipinagbilin niyang mahigpit sa kanyang
nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto. Ganito
kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang sa gayon
ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot
ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa
kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.
(halaw sa Panitikang Rehiyonal-kagamitan ng Mag-aaral, pahina 49)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.