Questions


October 2022 1 3 Report


ANG PUNONGKAHOY

ni Jose Corazon de Jesus


Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako'y tila isang nakadipang krus;

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan

Ay nananalangin sa kapighatian,

Habang ang kandila ng sariling buhay,

Magdamag na tanod sa aking libingan...

Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo't magdamag na nagtutumangis;

Sa mga sanga ko ay nangakasabit

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;

at tsaka buwang tila nagdarasal.

Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;

Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,

Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw;

Naging krus ako ng magsuyong laing

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

Panakip sa aking namumutlang mukha;

kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,

Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!



At iyong isipin nang nagdaang araw,

isang kahoy akong malago't malabay;

ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,

dahon ko'y ginawang korona sa hukay.




Punong kahoy Gawain 2: Mula sa hanay sa ibaba, sagutin mo ang mga hinihinging impormasyon ayon sa tulang nabanggit. Ilagay ang sagot sa sagutang papel. Ang tatlong bagay na aking natutunan ay … Ang dalawang bagay na nakapagpaantig sa aking damdamin ay … ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.