Tumutukoy sa kung paano ginamit ang pangngalan sa loob ng pangungusap. Ito ay may tatlong uri. Matutukoy ang kaukulan kung alam ang kahulugan ng simuno at panaguri. Mahalagang malaman ang kaukulan ng pangngalan upang matutong bumuo ng sariling pangungusap. Matutukoy ang pagkakaiba ng bawat isa sa pamamagitan ng pagkilala ng gamit nito sa pangungusap.
Mga Kaukulan ng Pangngalan:
paari
palayon
palagyo
Paari ang kaukulan ng pangngalan kung may dalawang pangngalang magkasunod at ang ikalawa ay nagsasaad ng pagmamay - ari.
Halimbawa:
Ang sasakyan ni Ginoong Cruz ay dinala sa talyer upang kumpunihin.
Ang bahay ng mga Santos ay kasalukuyang inaayos.
Ang aklat ni Angelica ay naiwan sa sasakyan.
Palayon ang kaukulan ng pangngalan kung ito ay ginamit bilang layon ng pandiwa at layon ng pang - ukol.
Halimbawa:
Ang guro ay nabiyayaan ng taglay niyang katalinuhan. (layon ng pandiwa)
Ginalingan niyang umawit para sa inang maysakit. (layon ng pang - ukol)
Si Alan ay napagkalooban ng likas na kasipagan. (layon ng pandiwa)
Palagyo ang kaukulan ng pangngalan kapag ang pangngalan ay ginamit bilang simuno, pantawag, kaganapang pansimuno, at pangngalang pamuno.
Halimbawa:
Si Ellen ay mabait. (simuno)
John, ikaw ang aming pag - asa. (pantawag)
Si Ayel ay mag - aaral na ubod ng sipag. (kaganapang pansimuno)
Answers & Comments
Kaukulan ng Pangngalan