Questions


September 2022 1 2 Report
ANG PILO: Kalalabas lang sa ospital ni Mang Oscar at mahina pa ang kanyang panganagtawan
Kalilipat naman ng anak niyang si Berto at pamilya nito sa probinsiya. Walang hahalili.
MANG BERTO: Sa tingin ko, hindi ito magiging problema. Sanay na tayo sa ganitong sitwasyon. Nakatitiyak akong marami ang handang magboluntaryo.
JOKO: (Pagkatapos magmano sa kanyang tatay.) Tatay! Nagpalabas po ng anunsiyo ang PAGASA. Pinaghahanda ang lahat dahil may darating ba malakas na bagyo.
MANG BERTO:Pareng Pilo, magmadali kayong kumilos. Pakisabihan at imbitahnan ang ating mga kaibigan at kapitbahay. Aanihin natin ang palay ni Mang Oscar Sabihan si Mang Oscar tungkol sa
ating gagawin. Hindi siya dapat mag alala. Hindi magtagal handa ba sina Mang Angel, Mang Inggo, Aling Celia, Mang Pilo at Mang Berto.
MANG ANGEL: Dala ko na ang gamit sa panggapas ng palay. Tayo na!
MANG INNGO: Pag-usapan nating mabuti ang ating gagawin upang matapos tayo sa takdang oras. Kailangang maipwesto natin ang mga tao sa kani-kanilang lugar upang mapadali tayo.
ALING CELIA: Tutulong din ako. Sanay yata ako sa paggapas ng palay. Ihahanda ko na rin ang iba pa nating kakailanganin.
MANG PILO:Salamat naman at marami tayo. Pinagbilinan ko rin ang iba pa na nais na tumulong na sumunod agad sila sa bukid.
MANG BERTO: Matutuwa tiyak si Mang Oscar. Wala na siyang dapat ipag alala. Nakatutuwang pagmasdan ang pagkakasiyahan ng mga magsasaka habang
naggagapas ng palay Tumulong silang lahat upang matapos sa takdang oras ang kanila palusong.
ALING NENA: Magmeryenda muna kayo. Lulo na ang nilagang saba at mainit na kape.
JOKO: Nanay mangunguhan po ako ng mga sako na walang laman. Sigurado akong sasabihin ni Lola Oscar kung saan ako makakakuha. Kukumustahain ko na rin po tuloy siya.
ALING NENA: Sumige ka na. Pagkabati sa kaniya ay bumalik ka agad. Lumipas ang ilang oras
nagsimula ng umulan. Nagtipon sa maliit na bahay ni Mang Oscar ang kaniyang mga kapitbahay at kaibigan. Masaya sila. Inaliw nila ang matandang lalaki habang nilalasap nila ang meryendang inihanda ni Aling Nena.
MANG OSCAR: Maraming salamat sa inyong pagbabayanihan. Kung wala ang inyong tulong at kooperasyon, nasira at nasayang na sana ang mga palay. Muli, maraming salamat
JOKO: Iyan ang Pinoy!
Masayang nagtawanan ang mga taga nayon.
Question:
Ano ang palusong? Ginagawa pa rin ba ito sa ngayon?
1.Anong mga katangian at kaugalian ang ipinakita sa kwento?
2.Paano nagtulungan ang mag kakapit-bahay at magkakaibigan sa pamayanan?
3.Paano nailigtas ng mga kaibigan at kapitbahay ni Mang Oscar ang mga pananim niyang palay mula sa pagkasira?
4.Bakit ipinakita ng mga kapitbahay ang kanilang pagbabayanihan kay Mang Oscar​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.