Ang pangkat ni Ben ay inatasan ng kanilang guro sa
Araling Panlipunan na magpakita ng isang katutubong sayaw
Bilang lider ng grupo, kaagad nagpatawag si Ben ng
pagpupulong sa kanilang mga kasama. Lahat sila ay may kani-
kaniyang gawain na dapat gampanan. Kaagad naman nilang
ginawa ang mga ito ng may pagkukusa.
Sa araw ng kanilang pagtatanghal ay naging maganda
ang kanilang presentasyon. Lahat ay napahanga lalong-lalo na ang
kanilang guro. Tinanong sila kung paano nila ito nagawa ng
maayos sa maikling panahon. Napangiti lamang si Ben at sumagot
ng maikling tugon, "Ang tingting kapag pinagsama-sama ay nagiging matibay".


1.Ano ang katangian ipinakita sa pangkat ni ben?
2.Paano ginampanan ni Ben ang kaniyang tungkulin bilang lider ng grupo
3.Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tumulong ang mga kasapi ng grupo sa kanilang gawain?
4.Kung ikaw ay bahagi ng pangkat ni Ben,ano ang mararamdaman mo?Bakit?
5.Ipaliwanag ang kasabihan,"Ang tingting na pinagsama ay nagiging matibay".

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.