Ang pagkain ang pinakamahalagang kailangan ng mga tao upang maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain. Dito nanggagaling ang enerhiya at lakas natin upang magampanan nang maayos at epektibo ang ating mga tungkulin. Kapag hindi ka nakakain nang maayos sa umaga, hindi ba't para kang nanghihina sa klase at hindi makapag-isip nang mabuti? Malaki rin ang epekto ng pagkain sa kalusugan ng isang tao. Kailangang sapat ito sa buong maghapon at masustansiya. Kapag naipatupad ito, magiging malakas at malusog ang katawan at malalayo sa pagkakasakit. Bukod dito, isa ang pagkain sa mga dahilan kaya nagkakasama-sama ang magkakamag-anak at magkakaibigan. Likas sa mga Pilipino ang mahilig sa mga pagdaraos ng iba't ibang okasyon na maraming putahe ng pagkain ang makikita sa hapag-kainan. Mahalaga ang kaalaman sa pamamahala ng pagkain, kailangan lamang ang wastong kaalaman hinggil sa pagpaplano o pagbabalak ng pagkain ng mag-anak. Nakasalalay sa pagkaing inihahanda sa araw- araw ang kalusugan ng bawat isa.

EPP PO SUBJECT NYA​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.