Ang Pagbabago ni Evan
Isinulat ni Analyn C. Balanon
Sma Mang Nardo at Aling Pacing ay may isang anak na lalaki na
ang pangalan ay Evan. Nag-aaral siya at nasa ikalimang baitang na sa
kasalukuyan. Noong una, madaling utusan si Evan ngunit nang
malulong sa laro sa computer ay nagbago siya. Hindi na niya ginagawa
kaagad ang mga iniuutos sa kaniya at hindi na ito pumipirmi ng bahay.
Kahit ang pagkain ay nakakalimutan na niya. Isang araw,
nagreklamo si Evan na masakit ang ulo at nanlalabo ang kaniyang
paningin. Agad siyang pinatingnan sa manggagamot at nalaman na
nasira na ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang paggamit ng
computer na kapag hindi ito maagapan ay maaari niya itong ikabulag.
Dahil dito, pinagbawalan na siya ng kaniyang mga magulang sa
paggamit ng anumang gadget. Labis na nalungkot si Evan dahil nanibago
siya at nababagot sa bahay sa maghapong walang ginagawa.
MGA TANONG:
1.PAANO NAGBAGO ANG UGALI NI EVAN?
2.ANO ANG KATANGIAN NI EVAN NOONG HINDI PA SIYA NALULONG SA LARO SA CUMPUTER
3.BAKIT MASIRA ANG MATA NI EVAN?
4.BAKIT SIYA PINAGBAWALAN PA PAGGAMIT NG ANUMANG GADGET?
5.ANO ANG NARAMDAMAN NYIA NANG IPAGBAWAL SA KANYA ANG PAGGAMIT NG COMPUTER

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.