Questions


October 2022 1 0 Report
“Ang Nawasak Kong Tahanan"
(ni: Jemini C. Melliza)
Malayo pa lang ay kitang-kita na ni Salome ang ama at ina na
mukhang tuwang-tuwa sa dami nitong dalang naaning prutas at gulay at
nabiling karne ng baboy at manok na ihahanda bukas para sa “Araw ng
Cabalan.” Kaya naman hindi siya nag-atubiling salubungin ang mga
magulang kasama ng nakababatang kapatid na si Amor. Bakas sa mukha
nila ang pananabik subalit sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo, bigla na
lamang silang napahinto nang marinig ang isang malakas na ungol na
para bang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Kasunod nito ay ang maingay
na sigaw at iyak ng mga tao sa paligid dahil sila ay halos hindi makatayo
at makatakbo sa lakas ng pagyanig ng lupa kasabay ng unti-unting
pagbiyak nito. Mahigpit na niyakap ni Salome ang kapatid na umiiyak sa
takot habang naririnig ang kabi-kabilang sigawan ng mga tao. “Mga anak?
Anak? Anak? Salome! Amor!” Bumalik sa isip ni Salome ang ama at ina
nang marinig ang boses ng mga ito. “Nay! Tay! Nandito kami!" ang
malakas at umiiyak na tugon ng magkapatid. Mabilis silang inalalayan ng
kanilang ama upang lumikas. Subalit, muling yumanig ang lupa nang
malakas kasabay ang dahan-dahang pagkawasak ng mga bahay at
pagguho ng lupa mula sa itaas.
Gayunpaman, patuloy ang paglikas ng pamilya ni Salome papunta sa
Evacuation Center. Walang tigil sa pag-iyak ang mga bata at wala ring tigil
sa pagdarassal ang mga nakatatanda.
Nakalipas ang isang buwan, masakit mang tanggaping hindi na
maaaring balikan ang kanilang tirahan, nagsusumikap naman ang bawa
taong bumangong muli. Para kay Salome, nawasak man ang kanilan
tahanan, ngunit hindi ang kaniyang pangarap. Nakita niya ang malasak
ng mga taong tumulong sa kaniyang pamilya. Ang mga ito ang nagbibiga
sa kaniya ng lakas ng loob at pag-asa. Nanatiling matatag ang kaniyar
tiwala sa Panginoon at ginawang inspirasyon ang mga napagdaanar
pagsubok upang mas maging mabuting tao at magpursige sa buha
tahimik nang namumuhay sila ng kaniyang pamilya sa isang panibagong lugar na puno ng pag asa.
Sagutin:
1.Ano ang naramdaman mo habang binabasa ang kuwento?
2.Sino ang magkakapatid sa kuwento?
3.Ano ang nangyari sa Barangay Cabalan?
4. Paano sila nabigyang pag asa sa oras ng kalamidad?
5. Sa iyong lugar, ano-anong kalamidad ang iyong naranasan?
6.Sa papaanong paraan kayo natulungan o nakatulong na magbibigay ng pag-asa sa mga biktima?
7.Ano ang pinakamahalagang mensahe ng kuwento?

pakisagot po ng maayos ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.