Questions


August 2022 1 3 Report
Ang Modyul ni Emry

Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang

paglalaro sa kaniyang Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa

Youtube channel. Dahil sa pandemic, hindi siya makalabas ng bahay.

Masaya siya nang magsimula ang pasukan. Hindi man siya

makapunta sa paaralan, pinakahihintay naman niya ang pagdating ng

modyul. Oktubre 5 nang magsimula ang klase. Hinintay niya ang

pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong

niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan

nito. Dali-dali niya itong binuksan at kinuha ang nasa loob.

“Papa, Papa, there’s a story book inside. Can I read it now?”

tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang ama nito ay binuklat niya

ito. “But this is not English, how am I suppose to understand this?”,

malungkot na tanong niya. Ibinalik niya ang modyul sa envelope.

Sumabad ang lola ni Emry, “ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa

anak niyo, ngayon paano ang pagsagot niyan?” Nagkatinginan ang mga

magulang ni Emry at nagkatawanan sila. “No problem, Mother, I’ll be the

translator, no sweat,” sagot ng Papa.




tanong:Magbigay ng tatlong mahahalagang pangyayari sa anekdotang

nabasa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.