Ang mga sumusunod ay ang mga katangian taglay ng isang mahusay na
debater maliban sa isa:
A. Malawak ang kaalaman sa isang paksa
B. Mahusay sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, tinig at tindig
C. Magaling maghabi ng mga argumento at proposisyon
D. Nadadala ang paninindigan sa panig ng oposisyon
Answers & Comments
Answer:
D
Explanation:
Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat. May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilngan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa.