Ang salawikain ay mga pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. May layunin din itong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sumasalamin din ito sa kultura at tradisyon nating mga Pilipino.
Mga Halimbawa:
Ang tunay na kaibigan, Nakikilala sa kagipitan.
-Ang ibig sabihin nito ay ang tunay na kaibigan ay kilala ka pa rin at hindi ka iiwan kahit ikaw ay nasa matinding pangangailangan. Handa pa rin siyang magbigay ng tulong at magmalasakit sa iyo.
Kung may tiyaga, may nilaga.
-Ang ibig sabihin nito ay kapag ang isang tao ay may paninindigan at pagsasakripisyo para sa sarili at at pamilya ay makakatanggap ng maraming biyaya at magandang kinabukasan.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.
-Ang ibig sabihin nito ay ang hindi marunong magpahalaga sa wikang ginagamit ay isang ugaling hindi kaaya-aya at parang itinatakwil na rin ang sariling pagkakakilanlan kung kaya't maiihalintulad ito sa isdang may masangsang amoy.
Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
-Sinasabi ng salawikain na ito na ang isang taong masyadong magastos at magwaldas ng pera sa mga bagay na hindi naman niya kailangan ay kakamot na lang ng ulo kinabukasan. Minsan, mas maganda pang sabihan ka na kuripot kaysa naman wala kang naiipon na pera kahit singkong duling.
Answers & Comments
Answer:
Kahulugan ng Salawikain

[Madami po akong binigay na example sorri haha]
Katanungan:
Ang mga halimnawa Ng sawikain at kahulugan nito ay
Kasagutan:
Sawikain
-Ang sawikain o idiom ay salita o mga salitang na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
-Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng damdamin ng isa o grupo ng mga tao.
Halimbawa ng Sawikain:
Kahulugan: Mabango
Halimbawa: Amoy pinipig si Anna.
sna po makatulong :>