Questions


September 2022 1 2 Report
Ang Matapat na Sapatero
Araw-araw ay makikita si Mang Ruben na nagbabahay-bahay sa paligid ng bayan ng Santa Rosa. Bitbit ang kahon na lagayan niya ng panlinis ng sapatos. Ito ang hanapbuhay na ibinubuhay niya sa kanyang pamilya. Maliit lang ang kita, subalit pinagtitiyagaan niya dahil mahirap na para sa kanya ang maghanap ng trabahong

malaki ang kita dahil limampung taong gulang na rin naman siya. Ayaw niyang umasa sa kanyang mga anak dahil pawang may pamilya na rin ang mga ito.
Isang tanghaling tapat, habang naglalakad si Mang Ruben, bitbit ang kanyang kahon papauwi ng bahay ay may napansin siyang isang makapal na pitaka sa kanyang daraanan. Walang gasinong tao noon dahil mainit na ang sikat ng araw. Agad niyang itong kinuha at dahil wala nga siyang mapagtatanungan ay dinala niya ito sa kanilang bahay. Pagdating sa bahay, agad niyang binuksan ang pitaka upang tingnan ang laman nito. Nakita niya ang malaking halaga ng pera kasama ang isang calling card. Nag-isip na mabuti si Mang Ruben kung ano ang kanyang gagawin.
Maya-maya ay kinuha niya ang kanyang mumurahing telepono na ginagamit tuwing may customer na nais siyang tawagan na magpapalinis ng sapatos sa kanya. Idinayal ang numero na nakasulat sa calling card at mabilis niyang nakausap ang may-ari ng nawawalang pitaka.
Kinabukasan, nagkita ang dalawa upang ibalik ang pitaka sa may-ari. Walang nabawas sa laman ng pitaka. Sobrang nasiyahan ang may-ari sa pagiging matapat ni Mang Ruben.
Bago naghiwalay ang dalawa ay isang pagkakaibigan ang nabuo. Tutulungan ng may-ari ng pitaka si Mang Ruben na makahanap ng magandang trabaho upang maging higit na maayos ang kanyang pamumuhay. At hindi lang iyon, binigyan pa siya ng sampung libong piso na pabuya dahil ibinalik niya ang pitaka na walang nabawas na anumang halaga dito.
Sobrang kasiyahan ang naramdaman ni Mang Ruben. Naisip niyang tama ang kanyang naging desisyon.
Pagsusunud-sunurin ang mga pangyayari sa tulong ng balangkas.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.