Questions


October 2022 1 6 Report
"Ang Masayahing si Jose”.
Isang proyekto ang pinagpaplanuhan ng klase bilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo. Aktibo
si Jose sa paglalahad ng kanyang mga mungkahi para sa gagawing proyekto at nagpapahayag siya na nas piyang siya ang
maging lider ng pangkat. Nakagagaan ang presensya ni Jose sa pangkat dahil siya ay lubhang masayahin Subalit, maraming
pagkakataon na nakasama mo na si Jose sa mga pangkatang gawain at alam mo na hindi niya nagagampanan ang tungkulin
niya bilang lider. Nalalaman mo rin na ang nais lamang niya ay magkaroon ng posisyon at ang makilala. Kung magawa man ng
pangkat ang gawain, inaako ni Jose ang pagkilala at hindi binibigyan ng kaukulang pagkilala ang mga kasapi ng pangkat.


"Ang Masipag na si Rita".
Masipag ang iyong kaklaseng si Rita. Madalas na siya ang nahahalal na lider ng pangkat dahil siya
ang gumagawa ng lahat ng kailangang gawin ng pangkat. Hindi na siya nagbibigay ng gawain sa kanyang mga kasama dahil
mas madali niyang natatapos ang gawaing iniatang sa pangkat nila kung siyang mag-isa ang gagawa. Hindi ka sang-ayon sa
ganitong paraan pero karamihan ng iyong mga kasama sa pangkat ay lubos na natutuwa.


"Ang Mabait na si Freddie".
Itinalaga ng guro na maging lider ng pangkat si Freddie. Kapag nagpupulong, halos lahat ng kasapi
ay hindi nakikinig nagkukwentuhan at may ginagawang ibang bagay. Hindi ito pinapansin ni Freddie at hinahayaan na lang niya
ang mga kaklase. Nag-aalaala ka dahil nasasayang ang panahon na walang natatapos ang inyong pangkat.


Ang Masunuring si Lito”.
Masarap kasama sa pangkat si Lito Tahimik, maasahan at masunurin siya Subalit napapansin mo na
laging inuutusan ng lider ninyo si Lito na sa palagay mo ay hindi na makatarungan tulad ng pagpapabili ng meryenda pagpapabuhat
ng bags, pag-aayos at paglilinis nang ginamit na silid sa pagpupulong Maraming magagandang ideya si Lito na maaaring
makatulong sa gawain ng pangkat. Subalit dahil lagi siyang inuutusan at sumusunod di siya nabibigyan ng pagkakataong
maibahagi ang kanyang naiisip at saloobin sa mga paksang tinatalakay ng pangkat. Nanghihiyang ka para kay Lito.


Tanong;
1.paano mo haharapin ang sitwasyon?

2.ano ang pangmadaliang solusyon?

3.ano ang pangmatagalang solusyon?

4.ano-anong mga katangian ng lider at tagasunod ang gusto mong mapaunlad sa iyong sarili?

pakisagot ng maayos. :)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.