"Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae"
Noong unang panahon, may isang matandang babae na may magandang
hardin ng mga bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga
mangingisdang naninirahan sa kalapit baryo. Madalas na bumibisita ang mga
mangingisda at ang kani-kanilang pamilya sa matandang babae upang magbigay
ng isda kapalit ng ilang magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin.
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan
ang matandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran gayundin may
kasama silang magandang babae at duwende na tumutulong sa pag-aalaga ng
kanilang mga tanim Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng
matanda wala siyang kasama.
1. Ano ang paksa ng kuwento?​
2.Ano ang pinaniniwalaan ng mga mangingisda tungkol sa matandang babae at sa Hardin?
3.Sino ang bumisita sa hardin ng matanda?
4.Ano ang ginawa ng mag-asawa sa matanda at sa hardin?
5.Ano ang ginawa ng matanda sa mag asawa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.