Ang Magkaibigang Diana at Dina
Si Diana ay nag-aaral sa isang bantog na unibersidad sa bansa. Dinala niya
ang kanyang kaibigang si Dina na malapit nang magtapos ng hayskul sa kanyang
pinapasukan. Nang papasok na si Dina sa loob ng paaralan ay hindi siya pinapasok
dahil sa higpit ng panuntunan sa paaralan. Kailangang ibigay muna ni Dina ang
isang valid ID at sabihin kung saang tanggapan siya pupunta. Binigyan siya ng
visitor's pass na kailangang ipa-validate sa tanggapang pupuntahan upang maibalik
kanya ang kanyang ID ng mga guwardiya pagkatapos.
Kailangan ni Dina ng isang aklat para sa kanyang proyektong makikita lang
sa unibersidad na ito. Nang pupunta na sila ni Diana sa aklatan ay nasilip ni Diana
ang mga silid-aklatan. Ang bawat silid ay de-aircon at may isang computer na
nakakabit sa isang LCD Projector. Tahimik ang kapaligiran sapagkat mahigpit ang seguridad. Humanga siya sa pasilidad ng unibersidad at sa seguridad ng campus.
"Dito ako mag-aaral pagkatapos ko ng hayskul! Ang ganda at ligtas! Maayos akong
makakapag-aral ditto,” buong paghangang sinabi ni Dina kay Diana.
TANONG
A. Ilarawan mo ang tauhan ng kuwento sa pamamagitan ng paggawa ng
isang saknong na tula tungkol sa tauhan ng kuwento.
B. Gumawa ka ng isang dalawang linyang tugma tungkol sa tagpuan ng
kuwento.
Answers & Comments
magisip ka po ng mga salita mula sa kwento na mag katugma pang may mga salita ka nang nakita gawin mo na syang sentence dapat mag katugma ahhh
Explanation:
wala kasi akong papel nakakangalay mag type hehe