Questions


September 2022 1 3 Report
Ang Maganda sa Isang Paligsahan
Ni: Imelda Manrique Abellar

Dumayo sa kabilang paaralan ang grupo ni Ma'am Soriano at kakay para sa isang paligsahan sa spelling. Si Kakay ang pambato ng paaralan. Nadatnan nila ang iba't ibang mga kalahok na nagmula sa ibang ibang paaralan ng distrito Sampu ang maglalaban-laban. Hindi sila halos magtinginan. Bawat isa ay may hawak na papel at may binabasa. Panay ang review ng bawat isa. Pinalabas na ang mga coaches at naiwan ang mga kalahok sa iisang silid. Wala pa ring imikan kaya tumayo si Kakay at nagpakilala sa lahat. "Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si Kakay ng Paaralang Sentral ng Lungsod ng Cotabato. Nais ko kayong maging kaibigan. Umaasa akong ito ang simula ng ating pagkakaibigan. Anuman ang maging resulta ng paligsahang ito, umasa kayong pahahalagahan ko ang ating pagkakaibigan," ang mahabang wika ni Kakay Sumunod naman ang iba pa. Nagpakilala rin ang bawat isa at nagbigayan pa ng cellphone numbers. Bago nagsimula ang paligsahan ay napalagay na ang loob ng bawat isa. Nawala ang kanilang kaba sa dibdib. Masaya nilang tinungo ang contest room. Natapos ang paligsahan. Ang maganda sa paligsahang iyon ay ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan.

1. Anong paligsahan ang nilahukan ni Kakay?
2. Paano naging kaibigan ni Kakay ang ibang mga kalahok?
3.ano sa palagay mo ang mangyayari Kung Hindi nanguna si kakay sa pakikipagkilala sa MGA kalahok
4.kung ikaw si kakay . ganoon din ba ang gagawin mo ? ipaliwanag
5.ano sa palagay mo ang magandang wakas Ng kuwento​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.