Questions


October 2022 1 7 Report
ANG MAG-INANG PALAKANG PUNO Sa isang malaking sapa may mag-inang berdeng palaka ang naninirahan doon. Ang anak na palaka ay isang sutil na batang palaka lagi niyang kinukunsumi ang kanyang ina dahil sa kanyang mga ginagawang di tama. Kadalasan ang kanyang ginagawa ay salungat sa lahat no utos ng kanyang ina. Lahat ng sinasabi at ipinagagawa ng kanyang ina ay kabaligtaran niya itong ginagawa. Hindi na malaman ng Inang palaka kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang anak. Gustong-gusto niya na maiwasto ang baluktot na pag-uugali ng kanyang anak. Minsan naman ay tinuruan ng inang palaka ang kanyang anak kung paano maka kokak ng wasto ngunit katulad ng dati ang batang palaka ay hindi pa din sumunod sa ipinagagawa ng ina bagkus kanyang binagligtad ang pagkokak. Ginawa niya itong Kakok. Araw-araw ay hindi nawawalan na pag-asa ang ina na mapabuti ang kanyang anak na palaka. Lagi niya itong pinagsasabihan ngunit patuloy pa din ito sa pagsuway sa kanya. Kung kaya sa pag-aalala sa kanyang anak ang palakang ina ay nagkasakit. Ngunit sa kabila ng kanyang pagkakasakit ang batang palaka ay patuloy pa din sa mga gawaing di maganda. Isang araw tinawag ng inang palaka ang kanyang anak. Binilinan niya ito na kung siya ay mamatay ay Ilibing siya sa Sapa at hindi sa bundok, sinabi ng inang palaka lyon sa anak sapagkat alam niya na kabaligtaran ng bilin niya ang gagawin ng anak. Lumipas nga ang araw ang inang palaka ay namatay. Umiyak ng umiyak ang batang palaka at labis na nagsisi sa kanyang nagawa. Dahil sa pagiging pasaway niya ang kanyang ina ay nagkasakit. Sinunod ng batang palaka ang habilin ng ina na siya ay Ilibing nga sa sapa. Hindi niya binaligtad ang utos ng ina. Kung kaya ng magkaroon ng malakas na pag ulan ang libingan ng kanyang ina ay naanod. Gayon na lamang ang iyak ng batang palaka habang pinapanood na maanod ang libingan ng ina. Simula nga noon ang mga berdeng palaka ay nag-lingay kapag umuulan.

1. Kung ikaw ang ina ng palaka anong gagawin mo kung hindi nakikinig sa iyong inyong anak?

2.Nagbabago ba saan naka naging kalagayan ng ina?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.