Ang Mabuti sa Pandemya
Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Ang COVID-19 ay dulot ng virus na nagbibigay ng sakit na maaaring hindi gaanong malubha o labis na malubha sa mga tao.
Totoong nabago ang takbo ng mundo dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Dahil dito, nagkaroon ng new normal o bagong karaniwang paraan ng pamumuhay. Gaya ng subalit hindi limitado sa pananatili sa loob ng bahay at paglabas kung kinakailangan lamang; pagbabago sa sistema sa transportasyon sa lupa, tubig, at himpapawid; pagpapaliban sa mga gawaing pagsasama-sama gaya ng paglalaro, pamamasyal, paliligo sa beach, at maging ang pagpunta sa mga mall. Limitadong lumalabas ang tao. Maging ang pagpasok sa opisina at mga paaralan ay natigil din. Kailangan pang kumuha ng quarantine pass sa barangay upang makapunta sa palengke at grocery. Mahigpit na nagbabantay ang mga pulis sa kalsada at masigasig na nagroronda ang mga tanod sa bawat barangay.
Gayonpaman, may maganda pa ring dulot ang pagkakataong ito. Dahil dito, nagkaroon ng mas mahabang panahon ng pagsasama-sama ang bawat pamilya. Naging aktibo sa pagtatanim ng mga gulay ang mga tao. Nabigyan ang sarili ng pagkakataong makapagpahinga at makapag-ehersisyo. Mas nagkaisa sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Patuloy ang pagkilos ng gobyerno para masugpo ang virus. Higit sa lahat, palagi na ang pananalangin ng mga tao para labanan ang pandemya.
Sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang paksa o pinag-uusapan sa tekstong binasa?
2. Bakit sinasabing halos tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19?
3. Ayon sa binasa, ano ang ibig sabihin ng new normal?
4. Isa-isahin ang nabanggit sa binasa na bagong paraan ng pamumuhay ngayong pandemya.
5. Ano-ano ang mabuting nangyari sa panahong ito ng pandemya?
6. Sang-ayon ka ba sa pamagat ng teksto na "Ang Mabuti sa Pandemya"? Bakit?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang Mabuti Sa Pandemya
2. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Ang COVID-19 ay dulot ng virus na nagbibigay ng sakit na maaaring hindi gaanong malubha o labis na malubha sa mga tao.
3.bagong karaniwang paraan ng pamumuhay.
4. •hindi limitado sa pananatili sa loob ng bahay at paglabas kung kinakailangan lamang
• pagbabago sa sistema sa transportasyon sa lupa, tubig, at himpapawid
• pagpapaliban sa mga gawaing pagsasama-sama gaya ng paglalaro, pamamasyal, paliligo sa beach, at maging ang pagpunta sa mga mall.
5.nagkaroon ng mas mahabang panahon ng pagsasama-sama ang bawat pamilya.
6.Opo,Nag tutulungan ang mga tao para laban sa pandemya at laging nananalangin sa diyos.
Explanation:
Hope its help to you
correct me if im wrong
#CarryOnLearning
#brainly
brainliest me if im correct :)
Thank You! Have A Nice Day! <33