Questions


August 2022 0 6 Report
Ang mabilis na pagkalat ng sakit sanhi ng coronavirus ay nagdulot ng malaking dagok sa kalusugan at buhay ng mga tao. Walang pinipiling dapuan ang virus na ito. Bata man o matanda, mahirap man o mayaman ay maaring mahawa nito. Maraming suliranin ang idinulot ng coronavirus sa mga tao. Naging banta ito sa kalusugan lalo na sa mga bata at matatanda. Maaring mamatay ang dapuan ng virus lalong lalo na kapag mahina ang “immune system” ng isang tao. Noong Marso 15, 2020 nag-umpisang ipatupad ng pamahalaan ang Community Quarantine dito sa Pilipinas sa pangambang maaaring lumobo ang bilang ng mga apektado. Simula rin ito ng maraming suliraning dinaranas ng mga Pilipino.
Hindi lamang buhay at kulusugan ang apektado ng COVID-19 kundi

maging ang ekonomiya ng bansa. Dahil sa pagkalugi ng mga negosyo, maraming

kompanya at pabrika ang nagsara kaya maraming Pilipino ang nawalan ng

trabaho at naghirap.

Ang pagsuspinde ng biyahe ng mga eroplano at sasakyang pandagat ang

naging dahilan ng pagkaantala ng pag-uwi mga overseas contract workers sa

kanilang mga probinsya.​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.