Ang Langgam at Ang Tipaklong
Isang araw ng tag-init
, habang ang lahat ng mga insekto at hayop sa bukid tulad ng
paruparo, ibon, suso, at bubuyog sa bukid ay masayang nagliliparan, nagtatalunan, at
naglalaro, isang batang langgam ang abalang-abala sa paghahakot ng kaniyang pagkain.
Napansin at nilapitan siya ni Tipaklong, kasunod ang tanong na wari ba'y mga salita
ng pang-iinggit. Sabi ni Tipaklong. "Hoy! Kaibigang Langgam, bakit hindi ka naglalaro
gaya ng karamihan? Masayang-masaya ang lahat sa paglalaro."
Napangiti lamang si Langgam at sinabing, "Iba na kasi ang panahon ngayon
Biglaan na lamang bumubuhos ang malakas na ulan, kaya nais ko nang samantalahin
ang pagkakataon na maganda ang panahon, upang makapag-ipon ng pagkain at maayos
ang aking tirahan."
"Ganun ba?" tugon naman ni Tipaklong. "S'ya, ikaw ang bahala, ikaw na rin ang
nagsabing minsan iinit, minsan uulan, kaya minsan lang din tayong makapagsasaya
"Sige, maraming salamat sa iyong imbitasyon, kaibigang Tipaklong. Ako muna ay
magpapatuloy sa pag-iipon at pag-aayos," sabi ni Langgam
Kinahapunan, unti-unting pumatak ang malalaking patak ng ulan. Habang ang
langit ay patuloy sa pagdidilim, sunod-sunod naman ang malakas na dagundong ng
kulog at matatalim na kidlat. Agad na lumaki ang tubig, at parang maaamong tupang
nagsipagyukuan ang mga halaman, dahon, at sanga ng mga puno sa lakas ng ulan
Walang masilungan ang mga ibon at iba pang mga insekto, kabilang na si Tipaklong.
Naisip nitong kumatok sa pintuan ng bahay ng kaibigang si Langgam.
Sa kabutihang loob, walang pag-aatubiling pinapasok ni Langgam si Tipaklong sa
kaniyang tahanan. Binigyan niya ito ng pagkain at pinagpunas ng kaniyang basang-basang
katawan. Habang kumakain, napag-usapan ng magkaibigan ang naging kahandaan ni
Langgam at ang pagkakamali o pagkukulang ni Tipaklong.
1.
2.
3
Sino-sino ang pangunahing tauhan sa pabula?
Ano ang ginawa ng mga ibon at insekto sa bukid?
Bakit hindi nakikipaglaro si Langgam sa iba pang mga insekto?
Ano ang nais ipahiwatig ng pabula?
Thalintulad si Langgam sa isang taong malapit sa iyo o kakilala mo. Sabihin kung
ano ang kanilang pagkakatulad.
1, ang langgam at Ang tipaklong
2, nalipad habang nag lalaro
3, para maka pag ipon ng pag Kain at panggawa ng bahay niya
4, malapit na umulan
5, pagiging masipag
hindi inuuna Ang laro


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.