Questions


October 2022 1 1 Report
ANG LAGUSAN (The Tunnel)
by:Zen Story ng Japan

Si Zenkai ay anak ng isang samurai (kasapi ng uring military, mandirigma) na naglakbay papuntang Edo at doon siya ay naging tagapaglingkod ng isang mataas na opisyal. Subalit siya ay umibig sa asawa ng pinaglilingkuran niyang opisyal at ito ay natuklasan. Napatay niya ang opisyal dahil sa pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Dahil dito, siya ay tumakas kasama ang babae.

Kalaunan sila ay naging magnanakaw. Subalit naging gahaman ang babae kung kaya si Zenkai ay nainis sa kaniya at tuluyan na itong iniwan. Siya ay naglakbay sa probinsiya ng Buzen at doon siya ay naging isang palaboy-laboy na pulubi.

Upang maipakita ang pagsisisi niya sa kaniyang naging kasalanan, naisipan ni Zenkai na gumawa ng mabuti habang siya ay nabubuhay. Dahil sa dami ng mga aksidente at kamatayang nangyari dulot ng mapanganib na daanan sa may talampas ay naisipan niyang gumawa ng isang lagusan para sa mga manlalakbay.

Sa umaga siya ay namamalimos ng pagkain at sa gabi naman ay naghuhukay sa kaniyang lagusan. Lumipas ang 30 taon at ang lagusan ay ay habang 2280 talampakan, 20 talampakan ang taas, at 30 talampakan ang lapad.

Dalawang taon bago matapos ang lagusan ay natagpuan siya ng anak ng opisyal na kaniyang pinatay. Ang anak ay isang mahusay na eskrimador. Hinanap niya si Zenkai upang ipaghiganti ang kamatayan ng kaniyang ama.

“Kusa kong ibibigay sa iyo ang aking buhay,” sabi ni Zenkai. “Hayaan mo lamang akong tapusin ang aking ginagawa. Sa araw na matapos ko ito ay maaari mo na akong patayin.”

Hinintay ang anak ng araw na iyon. Lumipas ang maraming buwan at si Zenkai ay patuloy pa ring naghuhukay. Napagod ang anak sa kahihintay nang walang ginagawa kung kaya tinulungan niya si Zenkai sa paghuhukay. Matapos niyang tumulong nang mahigit isang taon ay natutuhan niyang humanga sa mabuting hangarin pati na ng katangian ni Zenkai.

Sa wakas ay natapos din ang lagusan at ito ay magagamit na ng mga tao upang makapaglakbay nang ligtas.

“Ngayon ay maaari mo nang pugutin ang aking ulo,” sabi ni Zenkai. “Tapos na ang aking gawain.”

“Paano ko pupugutin ang ulo ng aking guro?” ang tanong ng lalaking may luha sa kaniyang mga mata.


Questions:

1. Magbigay ng dalawang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento.

2. Iugnay ang sariling karanasan mula sa binasang kuwento. Banggitin ang pangyayaring nagpapakita ng kultura sa akda at an kaugnayan nito sa sarili.

3. Bilang isang Pilipino ay mahalagang kilala mo ang iyong sariling kultura. Upang mapatunayan mong ipinagmamalaki mo ang iyong lahi at pinagmulan, ilarawan mo ang ating kultura sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.