Questions


September 2022 1 4 Report
Ang Lagalag na mga Hudyo (salin sa Filipino ni Jong del Fierro) Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa kalsada. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapapangalagaan. Ang mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik. Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik. Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak . Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo .Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikut-ikot siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid. Papalayo na ang mga Kosak. Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,” ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo. Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari . Piliin ang bilang nang sagot ayon sa pagkakasunod sunod nito.

 Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik
 Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Hudyo.
 Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada nang matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.
 Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa samaputik na lansangan.
 Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-alis ng mga Kosak
 Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.