Questions


August 2022 1 0 Report
Ang kwento ni Baby
(JCFIM)

Ako si baby , isa akong estudyante sa ikalimang baitang. Wala akong
masyadong kaibigan , umiiwas ako sa kanila lalo na sa dalawa kong kaklase na
laging nambu-bully sa akin. Madalas tinatawag nila akong putok sa buho , wala daw
akong pinag mulan dahil wala daw akong ama.Totoo naman ang sinasabi nila di ko
kilala ang aking ama.
Minsan ko na rin tinanong ito sa aking mama, pero di nya ako sinagot sa
halip napalitan ng lungkot ang kaniyang mukha. Hindi ko na iyon inulit pa. Naawa
kasi ako sa mama ko, mag-isa lang siyang naghahanapbuhay para sa aming
dalawa,
Minsan inulit na naman nina Robert at Dan ang panunukso ,nagtawanan
ang buong klase. Sobrang pagkapahiya ko noong araw naiyon. Simula noon
naramdaman mo ang sobrang takot parang ayaw ko na pumasok, Umiiyak din ako
sa gabi , wala akong ganang kumain at di ako masyadong makatulog. Parang gusto
kong magtalukbong ng kumot kahit na napakainit naman ng panahon, may kaba
ako sa dibdib tuwing maaalala ko ang pagtatawanan ng aking mga kaklase.
Isang umaga tinanong ako ni Mama kung may problema daw ba ako,
napansin nya ang namamaga at nangingitim kong mga mata sabay hawak nya sa
aking likod. Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng luha sa aking mga bata ,
mamaya pa ay humihikbi na ako. Niyakap ako at tinanong muli . Ipinagtapat ko
ang lahat ng nangyari at lahat ng nararamdaman ko ,Unang pagkakataon kong
nakita ang mama ko at ubang pagkakataon din na ipinagtapat nya ang tungkol sa
tatay ko. “ Patawad anak hindi ko masabi sa iyo kung sino sya kasi diko talaga siya
kilala, Biktima ako ng rape. At tuluyan na siyang umiyak.

Basahin ang mga tanong . Isulat sa notebook ang sagot
1. Ano ang paksa ng kwento?
2. Ano ang mga naramdaman ni Baby?
3. Bakit kaya ganito ang kanyang naramdaman?
4. Nakaramdam ka na rin ban g katulad ng naramdaman ni Baby? Kailan?
Isulkat ang sariling kwento.
5. Paano nagkaron ng solusyon ang kanyang problema? Kung ikaw si Baby
ano ang iyong gagawain?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.