Questions


August 2022 1 1 Report
Ang Kuwento ni Tina

Kataka-takang walang imik buong araw si Martha. Napansin kong sa buong araw ay hindi man lang siya nakibahagi sa mga talakayan. Sa mga pangkatang gawain ay hindi rin siya nakilahok. Wala man lang ngiti sa kaniyang mukha. Bakas sa kaniyang mga mata na siya ay umiyak. Hindi ako sanay na makitang ganito si Martha. Nang lapitan ko siya ay bigla siyang umiyak. Tinapik ko ang kanyang mga balikat at tumabi sa kanya. Nagsimula siyang magkuwento na ngayon ang ikaisang taon ng pagkamatay ng kaniyang mahal na ina.

Tahimik kaming dalawa habang nakaupo pagkatapos niyang magkuwento na noong buhay pa ang kaniyang ina ay hindi nito nakaligtaang mag-uwi ng pasalubong mula sa kaniyang trabaho kahit ito ay kendi lang, pansit na hindi naubos o di kayay lapis na maaring gamitin ni Martha sa paaralan. Tinapik ko ang kanyang balikat sabay sabi “Martha, ganyan talaga ang buhay. Lahat tayo’ ay pahiram lang sa mundo. Nauna lang ang nanay mo. Magpasalamat na lang tayo at minsan ay naranasan natin ang pagmamahal ng ating ina. May mga bata nga na hindi pa nila nakita o nakilala man lang ang kanilang mga magulang”.



Sagutin ang sumusunod na tanong: Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno sa EsP.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?

3. Magbigay ng tig-iisang katangian sa dalawang mga tauhan sa kwento..

4. Mula sa mga katangiang iyong nabanggit, masasabi mo ba kung sino sa kanilang dalawa ang nagpapakita ng pag-unawa sa damdamin ng kapwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.