Questions


September 2022 1 3 Report
Ang kuwento ni Mina Kataka-takang walang imik buong araw si Lydia. Napansin kong sa buong araw ay hindi man lang siya nakibahagi sa mga talakayan. Sa mga pangkatang gawain ay hindi rin siya nakilahok Wala man lang ngiti sa kaniyang mukha Bakas sa kanyang mga mata na siya ay umiyak. Hindi ako sanay na makitang ganito si Lydia Nang lapitan ko siya ay bigla siyang umiyak Tinapik ko ang kaniyang mga balikat at tumabi sa kaniya Nagsimula siyang magkuwento na ngayon ang ika-isang taon ng pagkamatay ng kanyang mahal na tatay Tahimik kaming dalawa habang nakaupo pagkatapos niyang magkuwento na noong buhay pa ang kaniyang tatay ay hindi nito nakaligtaang mag-uwi ng pasalubong mula sa kaniyang trabaho kahit ito ay kendi lang pansit na hindi naubos o 'di kaya y lapis na maaaring gamitin ni Lydia sa paaralan. Tinapik ko ang kaniyang balikat sabay sabi "Lydia, ganyan talaga ang buhay. Lahat tayo ay pahiram lang sa mundo. Nauna lang ang tatay mo. Magpasalamat na lang tayo at minsan ay naranasan natin ang pagmamahal ng ating tatay May mga bata nga na hindi pa nila nakikita o nakilala man lang ang kanilang magulang ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.