Ang Kuneho at ang Matapang Niyang Kaibigan

Isinulat ni Aurora C. Saborrido

Isang araw lumabas ang kuneho para maglakad-lakad at naiwan niyang bukas ang pinto ng kanyang bahay. Sa kanyang pagbalik, siya ay nabigla nang makita niyang sarado ang pinto ng kanyang bahay. Hindi niya alam na may nakapasok pala, at ito ay isang uod..

Nagtanong siya, "Sino ang nasa loob ng aking bahay?" "Ako ang pinakamalaking hayop sa buong mundo! Kaya kong tapakan

ang elepante." Sagot ng boses. Natakot ang kuneho. Humingi siya ng tulong. Nasalubong niya ang paruparo. "Bakit ka nagmamadali?" Tanong ng paruparo. "Tulungan mo ako, may malaking hayop sa loob ng bahay ko, at kaya raw niyang tapakan ang elepante," sabi ng kuneho. "Hindi! Ayoko, maliit

ako, hindi kita matutulungan," sagot ng paruparo. Nakita ng kuneho ang ahas. "Ahas! Ahas! Tulungan mo ako. May

malaking hayop sa loob ng bahay ko. Sabi niya, kaya raw niyang tapakan ang

elepante." "Hindil Ayoko, hindi ko siya kaya," sabi ng ahas.

Humingi ng tulong ang kuneho sa kaniyang kaibigang elepante. "Elepante! Elepantel Tulungan mo ako, may malaking hayop sa loob ng bahay ko. Sabi niya kaya raw niyang tapakan ang elepante." "Hindil Ayoko! Hindi ko gustong matapakan ng kapwa ko!" Sagot ng elepante.

Nawalan ng pag-asa ang kuneho. Umiyak siya nang umiyak. Biglang dumating ang kaibigan niyang palaka. "Bakit ka umiiyak, kaibigan?" Tanong ng palaka. "May malaking hayop sa loob ng bahay ko at walang sinuman ang nakapagpapaalis sa kanya," sagot ng kuneho. "Sige tutulungan kita," sabi ng palaka. "Paano?" Tanong ng kuneho. "Tingnan natin," sagot ng palaka. Pinuntahan nila ang bahay ng kuneho. Pagdating nila, nagtanong si palaka. "Sino ang nasa loob ng bahay ni kuneho? "Ako! Ang pinakamalaking hayop sa buong mundo! Kaya kong tapakan ang elepante!" Sagot ng boses. "Ako! Ako ang pinakamataas tumalon na hayop sa buong mundo! Nandito ako para

talunin ka!" Sagot ng palaka. "Hindi! Hindi!" Sabi ng boses. "Hindi! Huwag mo akong saktan! Isa lang akong uod!" Dahan-dahang binuksan ng palaka ang pintuan. Lumabas ang uod at pumasok sa butas sa likod ng bahay ng kuneho.

Masayang pumasok ang kuncho sa kaniyang bahay. Nagpasalamat siya sa palaka. "Maraming salamat kaibigan!" "Walang anuman!" Sabi ng palaka. Mula noon, lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan.

Saborrido, Aurora, C., Ang Kuneho At Ang Matapang Niyang Kaibigian, DepEd-BLR, 2018

14

CO_Q1_FILIPINO5_Modyul7​
paki sagot hehe

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.